3 pumatay sa Cebu hotelier, tiklo

MANILA, Philippines - Tatlong lalaki kabilang ang isang magkakapatid na suspek sa pagpatay sa isang may-ari ng hotel na si Richard Lim King ang nadakip sa isang operasyon kamakalawa sa Davao City.

Kinilala ang tatlong suspek na sina Rommel dela Cerna, 39, isang asset ng pulisya; utol na si Rodel at Paul Molina, triggerman.

Ang tatlo ay natukoy na mga nagtratrabaho sa Laud Firing Range sa Maa District sa Davao City.

Magugunita na noong Hunyo 12, dakong alas-6:45 ng gabi nang pagbabarilin si King, may-ari ng Crown Regency Group of Hotel sa opisina nito sa Vital C building na kanya rin pag-aari na matatagpuan sa  Sobrecarey St., Barrio Obrero, Davao City.

Una nang nagpalabas ang pamilya ni King  at si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng P 1.3 M para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng mga killers ni King.

Show comments