MANILA, Philippines - Anim na sasakyan ang nagkarambola na naging dahilan nang pagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa northbound lane ng Edsa malapit sa Muñoz market sa Quezon City kahapon ng madaling araw.
Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa sa Dario Bridge /EDSA.
Kabilang sa mga nagbanggaang behikulo ay isang Mitsubishi Montero, isang taxi, isang mini bus, SUV, Toyota Highlander at Toyota Revo.
Base sa inisyal na imbestigasyon kasalukuyang minamaneho ni Hanz Go, 23 ang kaniyang Mitsubishi Montero (JG-022 ) sa kahabaan ng northbound lane ng EDSA patungong Balintawak, Quezon City nang biglang may tumawid na lalaki na kaniyang pinilit na iwasan.
Bunsod nito ay nahagip ng Mitsubishi Montero ang isang Mitsubishi tourist bus (RNB 494 ) na minamaneho ni Enrico Mendoza, 46.
Nadamay rin sa kaÂrambola ang apat pang behikulo na kinabibilaÂngan ng R&E taxi, isang Mazda Sports Utility Vehicle (SUV) isang Toyota Highlander at isang Toyota Revo.