^

Police Metro

Presyo ng langis apektado sa Iraq war

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posible anyang tumaas ang presyo ng petrolyo sa bansa dahil sa apektado ito ng tumitinding giyera sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde sa bansang Iraq.

Ito ang inihayag ni Department Of Energy (DOE) Undersecretary Zenaida Monsada at posibleng piso kada litro ang magiging pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Subalit, ayon naman sa ilang industry sources  na mas mataas pa sa piso  ang posibleng pagtaas ng nasabing produkto.

Dahil kontrolado na ng mga rebeldeng grupo ang hilagang bahagi ang nasabing bansa at patungo na ang mga ito sa katimugang bahagi  na  matatagpuan ang oil refinery at production facility.

Nabatid na ang Iraq ang nasa pangatlo sa buong mundo na nagsusuplay ng produktong petrolyo at  mahigit 3.3 milyon na bariles kada araw ang pino-produce ng nasabing bansa.

Sa pagsipa ng presyo ay posibleng tatlong dolyar kada bariles ang  pagtaas ng presyo ng  langis sa Pilipinas.

Kaya’t nagbabadya na naman ang transport group para hinilingin ang pagtaas ng pasahe na kadaragdag lamang ng 50 sentimos sa minimum fare na P8 noong Hunyo 14 ang pasahe sa jeep.

 

DAHIL

DEPARTMENT OF ENERGY

HUNYO

KAYA

NABATID

PILIPINAS

POSIBLE

UNDERSECRETARY ZENAIDA MONSADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with