MANILA, Philippines - Dahil wala naman ibang accomplishment kundi ang pag-aresto sa mga illegal recruiter at mga nagbebenta ng endangered species tulad ng mga ibon ay binuwag na ni Manila Police District (MPD) Dircetor C/Supt. Rolando Asuncion ang opisina ng District Police Intelligence Office Unit kasunod nang pagkakasabat sa 51 uri ng parrot at mynah na kung saan ay pinagkakakitaan pa ang mga nasabat na endangered species.
Inalis din ni Asuncion si Chief Inspector Don Austria, hepe ng DPIOU at mga tauhan at ipinakalat sa iba’t ibang presinto na kulang sa tao.
Tiniyak ni Asuncion na walang malakas at walang bata-bata system sa kanya dahil mas binibigyan niya umano ng pagkakataon ang mga pulis na nagtatrabaho.