^

Police Metro

30 checkpoints ilalarga sa MM

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang mapalakas pa ang police visibility na naglalayong mabawasan ang kriminalidad sa buong Metro Manila ay maglalatag ang pulisya ng 30 checkpoints.

Kasunod ng pamamaslang  sa sikat na car racer na si Enzo Ferdinand Pastor na pinagbabaril sa naganap na ambush sa Quezon City noong nakalipas na E­nero 12.

Bukod dito ay bunsod nang pamamayagpag  ng mga elementong kriminal tulad ng mga holdaper, carjacker at iba pa sa mga crime prone areas sa iba’t ibang dako ng National Capital Region (NCR) na dapat ay matuldukan.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na kaila­ngan mapalawak ang mga checkpoints na dodoblehin sa loob ng isang linggo hanggang maging triple pa.

Bawat checkpoints bukod sa mga unipormadong pulis ay dapat may kasamang ‘marked vehicle’ ng PNP.

AYON

BAWAT

BUKOD

ENZO FERDINAND PASTOR

KASUNOD

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON CITY

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with