Kawani ng Muntinlupa City Hall, itinumba

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang kawani ng Muntinlupa City Hall nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa nasabing lungsod.

Kinilala ang nasa­wing si Wilfredo Pastrana, 47, biyudo, draftsman sa Assessor’s Office at nakatira sa Lot 6, Block 28-J, Huli St., Katarungan Village, Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Batay sa ulat, naganap ang insidente alas-12:30 ng madaling-araw ay papatawid ang biktima  sa panulukan ng Bruger St., at National Road, Barangay Putatan ng  naturang lungsod mula sa pakikipag-inuman sa isang restaurant nang dumating ang isang kulay puting Yamaha motorcycle na walang plaka at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek nang bumulagta ang biktima.

Isa sa anggulong mga iniimbestigahan ng Muntinlupa City Police ang trabaho nito sa City Hall.

Show comments