^

Police Metro

Pagbusina sa araw ng Linggo ipagbabawal

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipagbabawal sa buong bansa ang pagbubusina ng mga sasakyan tuwing araw ng Linggo.

Ito ay kung maisasabatas ang House Bill 4542 ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez  dahil anya ang pagbusina ng mga sasakyan ay nakakairita at hindi nakakatulong sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Nakasaad pa sa panukala na ang pagbusina rin ang nagiging dahilan din minsan para magkaroon road rage at noise pollution sa bansa.

Ayon pa sa kongresista, ang eardrum ng isang tao ay sensitive sa ingay hindi lamang kapag nasa eskuwelahan at hospital zone kundi kahit saan lugar kaya dapat gumawa ng hakbang ang gobyerno na mabawasan ang mga kaso ng pagkabingi na nag-uugat dahil sa patuloy na exposure ng isang tao sa mataas na lebel ng ingay.

Sakali na maging ganap na batas ay  pagmumultahin ng P500 per offense, samantalang ­exe­m­p­­ted naman dito ang mga driver ng ambulansya at iba pang medical vehicles, firetrucks, police car, military vehicles at mga driver na mayroong emergency situations.

AYON

HOUSE BILL

IPAGBABAWAL

LEYTE REP

LINGGO

LUCY TORRES-GOMEZ

NAKASAAD

SAKALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with