MANILA, Philippines - Nag-amok ang isang mister at pinagbabaril nito at napatay ang kanyang mag-ina at isang obrero sa pag-aakalang siya ay pinindeho ng misis na naganap kamakalawa ng gabi sa bayan ng Tboli, South Cotabato.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Nora Piang, misis ng suspek, at obrero na si Alvin Sumili ng Sumifru Company. Habang kritikal ang anak na si Jepy Piang.
Nabatid na dakong alas-10:00 ng gabi ay natutulog ang biktima sa bunkhouse ng mga trabahador ng Sumifru sa Brgy. Datal D’lanag, Tboli nang pasukin at pagbabarilin ng nagwawalang suspek na si Joreto Piang na armado ng garand rifle.
Nabatid na bigla na lamang dumating sa lugar si Piang, isang kilalang siga sa lugar na naghahamon ng away habang galit na hinahanap ang kaniyang misis na nagtaksil sa kanya.
Nang walang kumasa ay pumasok ito sa bunkhouse at napagdiskitahang barilin si Sumili.
Pagdating nito sa kanilang bahay ay nakitang natutulog na ang hinahanap na misis at kanilang paslit na anak at kanyang pinagbabaril.