MANILA, Philippines - Upang hindi magaya ng mga elementong kriminal na nagÂlipana sa lipunan ay maglalabas ng bagong uniporme ang Philippine National Police (PNP) sa lalong madaling panahon.
Ito ang inihayag kahapon ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac sa bagong uniporme na nagtatagaly ng “security features†na ipapalit nila sa luma nilang General Office Attire (GOA).
Hinihintay na lamang ng PNP ang pag-aapruba ni National Police Commission (NAPOLCOM) Chairman at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas upang maisuot na ng mga opisyal at miyembro ng PNP ang kanilang mga bagong uniporme na magsisilbing ikatlong pagpapalit ng uniporme simula ng maitatag ito noong unang bahagi ng dekada 90.
Maghihigpit anya ang PNP sa reguÂlasyon sa pagbebenta at produksyon ng nasabing uniporme para hindi ito magamit ng mga eleÂmentong kriminal kung saan ay nilagyan din ito ng security features.
Hinggil naman sa natanggap na pamimintas ng PNP sa mga kritiko na mukhang MMDA at parang sa konduktor ng bus ang bago nilang uniporme.
Sa tala ang unang uniporme ng PNP ay kaki ang kulay at sumunod naman ang lumang kulay asul na uniporme na kanila ng papalitan.
Magkakaroon din ng bagong patrol uniform ang PNP na sumasailalim pa sa konting pagsasaayos.