MANILA, Philippines - Nakinabang ang may libong kababaihan ng Quezon City sa isinagawang medical assistance ni QC Vice Mayor Joy Belmonte sa ilalim ng Joy of Public Service program ng tanggapan.
Partikular na nabiyayaan ng naturang proyekto ang mga kababaihang residente mula District 1 hanggang District 5 sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials, QC General Hospital at Philippine Cancer Society.
Ang libong mga benepisyaryo ng proyekto ay nabigyan ng libreng papsmear at breast exam na una nang hiniling ng mga barangay officials kay Belmonte na maisailalim ang mga constituents sa naturang programa para matiyak na ligtas sa anumang mga sakit ng mga kababaihan tulad ng myoma o bukol sa matres, cyst sa matres at dibdib at iba pa.