^

Police Metro

PNP inutil vs riding-in-tandem criminals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dapat paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa mga elementong kriminal na gumagamit ng motorsiklo o riding-in-tandems para mabawasan kung hindi kayang hadla­ngan ang ganitong sistema ng pagpaslang.

Ayon kay Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) secretary general Rodel Pineda, panahon na para pag-isipan ng Kongreso kung paano mahahadlangan ang ganitong estilo ng krimen lalo kung totoo ang datos na noong 2013 ay lima katao ang namatay kada araw sanhi ng riding-in-tandems o 1,800 katao bawat taon.

“Tutol ang mga mam­babatas na ipagbawal ang riding-in-tandems dahil labag ito sa karapatang pantao pero bakit hindi sila makaisip ng tamang solusyon para maputol na ang mga krimen ng riding-in-tandems?” ani Pineda.

“Sa nangyari lang sa top race car driver ng Pilipinas na si Enzo Pastor noong Huwebes, dapat mag-isip-isip na ang mga nasa Kongreso at PNP. Paano kung sila mismo ang maging biktima, saka lang sila kikilos?”

Ayon sa 4K, maganda ang panukala ni Quezon City Rep. Winston Castelo noong nakaraang Kongreso na magkakaloob ng poder sa PNP na gumamit ng estratehikong patakaran laban sa riding-in-tandem criminals pero hindi ito inaksiyunan ng mga mambabatas.

“Ni hindi pinansin ng mga mambabatas ang HB (House Bill) 5720. Hanggang ngayon, nagbubulag-bulagan sila sa katotohanan na parami nang parami ang napapatay ng riding-in-tandems sa buong bansa,” giit ni Pineda.

“Kung ayaw nilang ipagbawal ang riding-in-tandems, bakit hindi nila ipanukala na obligahin ang paglalagay ng malaking plate number sa helmet ng mga nagmomotorsiklo?”

Naunang ipinanukala ni Mayor Joseph Estrada na ipagbawal ang riding-in-tandems sa Maynila pero maraming sektor ang tumutol partikular ang mga grupong Motorcycle Rights Organization at Arangkada Riders Alliance.

 

ARANGKADA RIDERS ALLIANCE

AYON

ENZO PASTOR

HOUSE BILL

KILUSAN KONTRA KABULUKAN

KONGRESO

MAYOR JOSEPH ESTRADA

RIDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with