^

Police Metro

2 NBP Doctors, head guard sinibak

Doris Franche- Borja, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa pagbibigay ng referral para makapagpagamot sa pribadong ospital ang mga high profile inmate ng National Bilibid Prison ay sinibak na kahapon ni Justice Secretary Leila  de Lima ang dalawang prison doctor at opis­yal prison jail guard. Batay sa Department Order 405 na may petsang June 13, 2014, sinibak sa pwesto sina Dr. Gloria Achazo-Garcia, Acting Hospital Head ng New Bilibid Pri­son Hospital; Dr. Ma. Cecilia V. Villanueva, Medical Specialist I at Prison Supt. Gabriel Magan, hepe ng New Bilibid Prison Escort Unit.

Inatasan din ni De Lima si Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu na magtalaga ng pansamantalang kapalit sa pwesto ng tatlong opisyal para hindi maapektuhan ang operasyon ng NBP Hospital.

Bukod sa pagsibak ay inatasan nito ang tatlo at iba pang prison guards ng Bilibid kung bakit hindi sila dapat maharap sa reklamong administratibo.

Binigyan  ni De Lima  ng 72 oras ang tatlo para makapagsumite ng paliwanag kaugnay sa kontrobersyal na pagpapagamot ng high profile inmate na si Ricardo Camata sa Metropolitan Medical Center.

Ayon naman kay  Justice Undersecretary Francisco Baraan III, kaila­ngan lamang na ipaliwanag ng tatlo kung bakit hindi hiningi ang clearance ni De Lima.

Una nang inalis sa pwesto sina NBP Chief Superintendent Fajardo Lansangan at 12 pang guards.

 

ACTING HOSPITAL HEAD

BUREAU OF CORRECTIONS DIRECTOR FRANKLIN BUCAYU

CECILIA V

CHIEF SUPERINTENDENT FAJARDO LANSANGAN

DE LIMA

DEPARTMENT ORDER

DR. GLORIA ACHAZO-GARCIA

DR. MA

GABRIEL MAGAN

JUSTICE SECRETARY LEILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with