MANILA, Philippines - Nagkasundo na ang pamahalaang lungsod ng Caloocan at Malabon para i-debelop ang 80 ektaryang lupain na may 50-taong ng pinagaagawan.
Nakatakdang pirmahan ngayong Martes (Hunyo 17) nina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan at Malabon City Mayor Antolin Oreta III ang isang “memorandum of understanding†sa paglikha ng isang “joint venture company†para sa pagdebelop sa naturang lupain na nasa Caloocan, Barangay Libis Baesa at Malabon Barangay Potrero.
Nabatid na nasa 50 taon na ang agawan sa pagmamay-ari sa naturang lupain at ang mga residente ng naturang mga barangay ang labis na naaapektuhan sa sigalot.
Kasalukuyang nasa korte pa rin ang usapin na nag-umpisa nang maging bahagi ng teritoryo ng Malabon ang bahagi ng Caloocan nang maipasa bilang batas ang Republic Act 9019 (Malabon Cityhood).
Habang nasa korte ang usapin, nagkasundo si Malapitan at Oreta na paunlarin ang lugar na lalagyan ng isang “integrated bus terminal, economic at industrial zones, business at financial centersâ€, mga paaralan at iba pa.
Sinabi ni Malapitan na pagkakataon ngayon na maging oportunidad ang kinakaharap na krisis upang mapaunlad ang dalawang lungsod at hindi mapag-iwanan ng mga mas batang lungsod sa Metro Manila.