MANILA, Philippines - Inihayag ng pamunuan ng Department of Health (DOH) na lolobo ang bilang ng kaso ng leptospirosis ngayon panahon ng tag-ulan.
Kasabay nito ay nagbigay ng babala si Health Undersecretary Eric Tayag, Director ng National Epidemiology Center (NEC) sa publiko na mag-ingat sa nasabing sakit.
Ayon kay Tayag, asahan na ang pagdami ng mga tatamaan ng leptosÂpirosis at iba pang sakit na nakukuha sa panahon ng tag-ulan.
Sinabi ng opisyal na inatasan na ang mga ospital ng pamahalaan na maging handa at unahin ang mga pasyenteng infected ng mga sakit dahil sa pagbaha.
“Leptospirosis cannot just be treated at home so we advise patients to immediately seek medical treatment once they have been exposed to flood and manifested symptoms of the infectionâ€, paliwanag ni Tayag.
Karaniwan nang nakakaramdam ng pamamanhid, mapulang mata, naninilaw na balat at pagkakaroon ng kulay-tsaa ang ihi.
Upang makaiwas sa leptospirosis, pinayuhan ni Tayag ang publiko na manatili na lamang sa bahay o gumamit ng boots sa panahon ng baha. Ang nasabing sakit ay nakukuha sa ihi ng daga.