^

Police Metro

Rules sa CA aamyendahan

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aamyendahan ang ilang panuntunan o rules sa Commission on Appointments (CA) upang mapursige  ang mga cabinet members na makuha ang pag apruba ng mga miyembro nito.

Sinabi ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, chairman ng CA committee on rules, kailangan na nilang gumawa ng paraan upang ang mga cabinet members na nagnanais ng confirmation ay ikampanya ang kanilang sarili.

Magpapasa ng resolution si Fariñas na nag aam­yenda sa rules ng CA sa muling pagbabalik ng sesyon ng kongreso sa Hulyo 28.

Kabilang umano sa rules na aamyendahan ay ang “three strikes policy” na kapag ang isang miyembro ng gabinete ay na bypass ng tatlong beses ng CA  ang confirmation nito ay ipapasa na sa plenary at bahala na ang mga miyembro nito na bumoto para sa kompirmasyon.

Paliwanag pa ng kongresista na ang rejection ay maaari lamang gamitin sa kasalukuyang posisyon ng isang miyembro ng gabinete na kanilang ina-aplayan, ito ay dahil sa maaari din naman itong ire-appoint sa ibang posisyon ng pangulo.

Naisipan ni Fariñas ang pag-amyenda sa rules ng CA upang matigil na ang paulit ulit na paghingi ng kumpirmasyon matapos na i bypassed at ang pag- appoint sa ibang posisyon ng pangulo kahit na hindi nagpapakita ang mga ito sa kanila upang hingin ang kanilang pag-apruba.

“Masyadong namimihasa na ang mga gabinete na hindi man lamang lumalapit para manligaw. Kami ngang pulitiko bago kami mahalal kailangan naming manligaw to the hearts of the electorate samantalang  sila binabalewala kami kasi malakas sila sa Presidente,” pahayag pa ni Fariñas.

 

AAMYENDAHAN

FARI

HULYO

ILOCOS NORTE REP

KABILANG

MAGPAPASA

MASYADONG

RODOLFO FARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with