^

Police Metro

Atenista inaresto sa pambabastos kay P-Noy

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang estudyante ng Ateneo de Naga University ang inaresto matapos itong mag-rally at bastusin si Pangulong Benigno Simeon Aquino  habang nagtatalumpati sa ika-116 anibersaryo ng Independence Day sa Naga City, Camarines Sur kahapon.

Kinilala ang inares­tong suspek na si Pio “Ems” Emmanuel, nasa hustong gulang, binata at 4th year BS Psychology student sa Ateneo de Naga at residente ng University Villa Grande Homes Subdivision, Concepcion Grande sa lungsod na ito.

Batay sa ulat, bandang alas-8:45 ng umaga sa  Plaza Quinse Martirez ay pinangunahan ni Aquino ang memorial honor  sa “15 Martyrs of Bicol” kaugnay ng selebrasyon ng Araw ng Kasarinlan nang tumayo sa harapan ng entablado si  Emmanuel at naglabas ng placard sabay sigaw ng “Walang Pagbabago sa administration Aquino, ibagsak”.

Habang iwinawagayway ang banner ng panlalait at pambabastos sa punong ehekutibo ay muli itong nagsisigaw ng “Oust PNOy, free Benito and Wilma Tiamzon  and all political prisoner, scrap all forms of pork; DAP, Ibasura.

Dinakma na ito ng mga pulis na nangangalaga sa seguridad na nasa bisinidad ng venue at ng Presidential Security Group (PSG) ang nasabing militanteng estudyante na kakasuhan sa paglabag sa Article 153 Tumults  and other disturbances of public order and assault.

AQUINO

ATENEO

BENITO AND WILMA TIAMZON

CAMARINES SUR

CONCEPCION GRANDE

EMMANUEL

INDEPENDENCE DAY

MARTYRS OF BICOL

NAGA CITY

NAGA UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with