Mister pinatay sa tapat ng bahay

MANILA, Philippines - Sa mismong tapat ng kanyang bahay binaril sa ulo ang isang 37-anyos na lalaki ng hindi pa kilalang suspek naganap kamakalawa sa Navotas City.

Dead on the spot ang biktima na si Nilo Villanueva, 37-anyos, may-asawa, residente ng Blk 21, Lot 43, Phase 2 North Bay Boulevard South sa lungsod.

 Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng umaga ay kalalabas lang ng kanyang bahay ng biktima nang lapitan ito ng hindi nakilalang lalaki at agad na pinaputukan ng baril sa ulo.

Blangko ang mga otoridad sa motibo ng pagpatay.

Show comments