3 pork solons pwedeng ikulong sa Fort Sto. Domingo
MANILA, Philippines - Kinokunsidera ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna na pinagkukulungan ni Janet Lim Napoles na doon din ikulong sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong†Revilla Jr., matapos kasuhan ng plunder sa pagkakasangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.
Magugunita na una nang inihayag ng opisyal na inihahanda na ng PNP ang PNP Custodial Center na pinapinturahan at ini-renovate para pagkuluÂngan sa tatlong pork barrel solons.
Nabatid pa sa opisyal na pare-pareho ang diÂsenyo at ang lawak ng sukat ng kulungan ng mga high profile detainees sa Fort Sto. Domingo.
Subalit, mas nangiÂngibabaw pa rin ang posiÂbilidad na sa PNP-CustoÂdial Center ipiit ang tatlong Senador na ang selda ay matagal nang nakahanda.
Nilinaw naman na tiÂtingnan pa ng PNP ang magiging mga kaganapan sa kaso bago nila irekomenda sa Fort Sto. Domingo ipiit ang tatlong Senador.
Magugunita na sa Fort Sto. Domingo rin nakulong si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap†Estrada na naharap sa kasong plunder noong 2001 gayundin si dating ARMM Governor Nur Misuari na kinasuhan naman ng rebelyon sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
- Latest