MANILA, Philippines - Naka-empake na umano ng kanyang dadalhin na gamit sa Camp Crame o saan kulungan ikukulong si Senate MinoÂrity Leader Juan Ponce Enrile sa gagawing pag-aresto sa kanya kaugnay sa kinakaharap na kasong plunder sa Sandiganbayan.
Ayon kay Enrile na hindi na siya aapela sa Supreme Court at ipagtatanggol na lamang ang sarili sa korte.
Maging ang mga libro na babasahin niya sa loob ng kulungan ay inihanda na rin at kanyang Ipad kung saan nakahiligan niyang maglaro ng Bejeweled.
Idinagdag ni Enrile na hindi siya mag re-resist sa sandaling arestuhin dahil alam naman niya ang proseso.
Hindi rin aniya tututol si Enriel sakaling sa Senado dalhin ang warrant of arrest laban sa kanya dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na makukulong siya.
“I was served the warrant here in the senate in 1990. It was here in the Senate that I was arrested. The second time I was arrested in 2001 was at my houseâ€, pahayag ni Enrile.