MANILA, Philippines - Bilang suporta na higit na maging competitive ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ng elementarya at high school at mataas na marka sa taunang National Achievement Test (NAT) ay pahuhusayin ng QC government ang learning methods at mga pasilidad.
Ito ang sinabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte, na siyang nag-preside ng regular executive meeÂting sa QC Bulwagang Amoranto na nagbigay ng kahandaan ang mga city councilors mula sa lahat ng distrito para maglaan ng suporta sa mga mag aral para mapataas ang over-all standing ng mga estudÂyante sa lungsod sa hanay ng mga school districts sa Metro Manila na kukuha ng NA.
Ang QC division schools sa kasalukuyan ay pang labing isa sa 16 na school districts sa National Capital Region (NCR).