MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga aspiring Overseas Filipino Workers (OFWs) na huwag magpaloko sa mga illegal recruiter na nangangalap ng aircon mechanics sa Texas.
Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, walang job order ng aircon mechanic sa Texas.
Sinabi ni Cacdac, sa kabila ng high profile aircon failuÂre na naganap sa AT&T Center sa San Antonio, Texas sa Game 1 ng NBA Finals sa pagitan ng San Antonio Spurs at Miami Heat, ay wala pa ring available jobs bilang AC repairmen sa naturang lugar.
“No POEA job orders for aircon technicians in San Antonio,†ani Cacdac, sa kanyang Twitter account, matapos makatanggap ng impormasyon ng may ilang illegal recruiter ang naghahanap ng nasabing trabaho patungo sa Texas.
Nauna rito, nitong Biyernes ay nagkaroon ng problema sa aircon sa pinakaaabangang Game 1 ng NBA Finals sanhi upang ma-dehydrate ang mga manlalaro at pagpawisan ng labis ang may 18,581 na nanonood dahil sa napakatinding init sa loob ng arena.
Sinasabing electrical failure ang naging ugat ng problema.