‘Wag ng ikulong si manong -Jinggoy

MANILA, Philippines - Pinapakiusapan ni Sen. Jinggoy Estrada  si Pangulong Benigno Aquino III na huwag na nitong ipakulong ang 90 anyos na si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

“Siyempre 90 years old na ang tao, nakakaawa naman kahit paano. Sana huwag na nilang ikulong. Hayaan mo na kaming makulong, huwag na lang si Manong Johnny,” wika pa ni Sen. Estrada kahapon.

Aniya, ang tanging binitiwang salita ni Sen. Enrile sa kanya ay magkita-kita na lamang kami sa korte.

Si Senator Enrile ay tahimik. At sabi naman niya sa akin ay maghaharap-harap na lang kami sa husgado,”  paliwanag pa ni Estrada.

Isinampa na noong Biyernes ng Ombudsman ang kasong plunder laban kina Enrile, Estrada at Sen. Ramon Revilla Jr. pati ang itinutu­ring utak ng P10 bil­yong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles at ilan pang personalidad.

Iginiit ni Estrada na handa siyang sumuko at harapin ang kaso dahil wala siyang balak na magtago sa sandaling ilabas ng Sandigabayan ang kanilang arrest warrant.

“Wala naman tayong magagawa diyan kung talagang aarestuhin kami. Ako naman kusang susuko sa kanila kung mayroong ilabas na warrant of arrest ang Sandiganbayan,” dagdag pa ni Estrada.

 

Show comments