Montero puwersahang tinangay ng carjackers

MANILA, Philippines - Puwersahang tina­ngay ng apat na armadong lalaki ang isang mamahaling sport utility vehicle nang tutukan nito ang driver at kasama nito kahapon ng mada­ling-araw sa Mandalu­yong City.

Sa salaysay ng biktimang si Rafael Viola, driver ng kulay gray-black na Montero Sport (UOA-741), dakong alas-3:45 ng madaling-araw ay kalalabas lang nilang magkakasama sa isang bar-grill sa San Rafael St., Barangay Plainview, Mandaluyong City nang lapitan sila ng apat na suspek na ang isa ay armado ng M-16 rifle, habang ang dalawa pa ay armado ng kalibre .45 na pistol.

Tinutukan ng mga ito ng baril ang mga  biktima at pinababa saka tinangay ang kanilang sasakyan.

Show comments