^

Police Metro

3 bangkay ng lalaki natagpuan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng kanilang mga bahay sa magkakahiwalay na lugar sa Pasay City at Caloocan City.

Dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Eustaquio Micono, 20-an­yos, sa ikalawang palapag ng Easyll Bakery, kung saan siya stay-in bilang panadero, na matatagpuan sa E. Rodriguez St., Zone 17, Barangay 158, Malibay.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-12:00 ng madaling-araw nang umakyat ito sa ikalawang palapag kasama ang tatlong kasama sa trabaho.

Nang gisingin nila ang biktima ng nasabing oras ay hindi na ito gumagalaw.

Ang ikalawang natagpuang patay dakong alas-11:00 ng gabi ay si Andrei Capinpin, 28, ng R Layug  St., Zone 1, Barangay 2  ng naturang lungsod.

Ayon sa ama  ng biktima na si Victor Capinpin huli nitong nakitang buhay ang anak na nilalaro pa nito ang alagang tuta sa harapan ng kanilang bahay at hindi nagtagal ay pumasok na ito sa bahay.

Kinagabihan ay nakalanghap ng kakaibang amoy ang mag-asawa mula sa silid tulugan ng anak at dito nila nadiskubre na patay na ito.

Nadiskubre din ang bangkay ni Renato Ressurrection, 60, professor sa University of Caloocan  sa  loob ng kuwarto nito sa Caloocan City kamakalawa ng alas-5:30 ng hapon.

Base sa ulat nakaamoy ng  mabaho ang mga kalapit kuwarto ng biktima kung kaya’t kinatok ito, subalit hindi sumasagot na naging dahilan para ito ay sapilitang buksan at tumambad ang naaagnas na bangkay ng biktima habang nakaupo sa sofa.

 

ANDREI CAPINPIN

CALOOCAN CITY

EASYLL BAKERY

EUSTAQUIO MICONO

PASAY CITY

R LAYUG

RENATO RESSURRECTION

RODRIGUEZ ST.

UNIVERSITY OF CALOOCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with