MANILA, Philippines - Dedbol ang dalawa kaÂtao makaraang aksidenteng tamaan ng kidlat sa magkakahiwalay na insidente sa bayan ng Murcia at Talisay City, Negros Occidental kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Rex Vasquez na tinamaan ng kidlat sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. San Fernando, Talisay City.
Batay sa ulat, bandang alas-4:00 habang nasa bintana si Vasquez ay bigla na lamang kumulog ng malakas at kasunod nito ay pagkidlat na tumama sa katawan nito.
Nagawa pang maisugod sa Talisay City Health Office si Vasquez, pero idineklara na itong dead on arrival.
Ang ikalawang insidente ay naganap dakong alas-10:00 ng umaga nang tamaan din ng kidlat ang magsasaka na si Crisanto Rivera sa Brgy. Lopez Jaena, Murcia.
Namatay ito noon din dahil sa grabeng pagkasunog ng katawan.
Pinayuhan naman ng mga lokal na opisyal ang mga residente na isagawa ang kaukulang pag-iingat sanhi ng madalas na pagkidlat sa lalawigan.