MANILA, Philippines - “Baka hinahaÂbol nila na makulong kami bago mag-SONA si Presidente Aquinoâ€.
Ito ang malakas na hinala ni Senator Jose “Jinggoy†Estrada na posibleng isama ang ginawang pagsasampa ng kaso laban sa kanya at kina Senators Juan Ponce Enrile at Ramon “Bong†Revilla Jr. sa accomplishment ng admiÂnistrayon sa State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III sa susunod na buwan, matapos sampahan kamakalawa ng reklamo sa Sandiganbayan.
Bukod umano sa pagpapakulong sa kanilang tatlo, posibleng banggiting muli ang ginawang pagpapakulong ng Aquino administration kay dating Pangulong Gloria Arroyo.
“Siyempre ibabandera kaming tatlo. Napakulong namin ang isang presidente, tatlong senador sa kanilang anti-corruption drive,†ani Estrada.
Nauna nang sinabi ng senador na inaasahan na nila ang naging desisyon ng Ombudsman na sampahan sila ng kaso matapos ibasura ang mga inihain nilang motion for reconsideration.
Muli ring iginiit ni Estrada na hindi siya tatakas at kusang susuko kung kinakailangan.