^

Police Metro

3 ‘pork’ senators ibibida sa SONA

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Baka hinaha­bol nila na makulong kami bago mag-SONA si Presidente Aquino”.

Ito ang  malakas na hinala ni Senator Jose “Jinggoy” Estrada na posibleng isama ang ginawang pagsasampa ng kaso laban sa kanya at kina Senators Juan Ponce Enrile at Ramon “Bong” Revilla Jr. sa accomplishment ng admi­nistrayon sa State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III sa susunod na buwan, matapos sampahan kamakalawa ng reklamo sa Sandiganbayan.

Bukod umano sa pagpapakulong sa kanilang tatlo, posibleng banggiting muli ang ginawang pagpapakulong ng Aquino administration kay dating Pangulong Gloria Arroyo.

“Siyempre ibabandera kaming tatlo. Napakulong namin ang isang presidente, tatlong senador sa kanilang anti-corruption drive,” ani Estrada.

Nauna nang sinabi ng senador na inaasahan na nila ang naging desisyon ng Ombudsman na sampahan sila ng kaso matapos ibasura ang mga inihain nilang motion for reconsideration.

Muli ring iginiit ni Estrada na hindi siya tatakas at kusang susuko kung kinakailangan.

AQUINO

BUKOD

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PRESIDENTE AQUINO

REVILLA JR.

SENATOR JOSE

SENATORS JUAN PONCE ENRILE

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with