MANILA, Philippines - Dahil nakita na ang mosyon nina Senators Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla at iba pang akusado sa pork barrel scam ay kapareho lang ng dati nilang isinumiteng counter affidavits kung kaya’t ibinasura ito ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Niliwanag din ng Ombudsman na napatunayan nilang may probable cause para kasuhan ang mga nabanggit na akusado sa pork scam na hindi bunga ng mga haka-haka at spekulasyon kundi base sa mga sworn complaints, testimonies of witnesses, PDAF public documents, COA report, business ledgers, corporate papers ng mga NGO ni Napoles, resulta ng mga field verification at pag-amin ng ilang mga respondents sa kaso.
Na-extend naman ni Ombudsman Morales ang immunity mula sa criminal prosecution ang mga witness sa kaso na sina Benhur Luy, Marina Sula, Merlina Suñas, Mary Arlene Baltazar at Simonette Briones.