Beautician binoga sa ulo, dedo

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang beautician makaraang barilin sa ulo ng hindi nakikilalang salarin habang naggugupit  sa isang customer sa loob ng kanyang beauty parlor sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Noel Maningding, 45, binata, ng no. 52 AFP Road, corner Airforce Road, Veterans Village, Brgy. Holy Spirit, habang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspect.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa loob ng Wella Hair Zone Saloon sa AFP Road corner Air Force Road, Veterans Village, Barangay Holy Spirit, sa lungsod, alas 12:30 ng tanghali kung saan habang abala ang biktima ay agad na binaril ito ng suspect sa ulo at mabilis na tumakas.

 Nagawa pang maitakbo ng kanyang kasamahan ang biktima sa East Avenue Medical Center pero idineklara din itong patay.

Show comments