BIR chief collector nanakawan ng P.2M

MANILA, Philippines - Mahigit sa P200,000 na cash at alahas ang natangay sa isang chief collector ng  Bureau of Internal Revenue (BIR) makaraang pasukin  ng magnanakaw ang bahay nito sa Quezon City, kamakalawa.

Sa salaysay ng biktimang si Richard Ablen, 57, BIR chief collector, ng  Barangay San Agustin, Novaliches na pinasok ng  magnanakaw ang kanyang bahay sa pagitan ng alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng umaga habang siya umano ay nasa trabaho.

Ayon sa biktima na bago siya umalis ng kanyang bahay sa TS Cruz Subdivision ay tiniyak niya na nakakandado ito, subalit walang naiwan sa bahay.

Ang mga suspek ay pumasok sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod at pagsira sa padlock ng main door.

Show comments