^

Police Metro

Color coding tricycle sa Maynila, ipapatupad

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipapatupad na ang color coding sa mga tricycle na nagyayaot sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Manila  Vice Mayor Isko Moreno, kaila­ngan nilang  ipatupad ang color coding  sa mga tricycle upang malaman kung sino ang  mga kolorum na patuloy na bumibiyahe sa lungsod.

Nabatid na light blue sa district 1; puti sa district 2; emerald green sa district 3; orange sa district 4; dilaw sa district 5;  pula sa district 6 habang  kulay gray naman sa mga private tricycle.

Sinabi ni  Moreno na inatasan niya si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Carter Don Logica  upang personal na pamahalaan ang registration ng mga tricycle upang matiyak na walang anumang  hokus pokus na mangyayari.

Binigyan diin naman ni Logica  na nagsimula na rin silang maglagay ng mga tarpaulin sa mga city boundaries at ilang pangunahing kalsada na nagpapa-alala  kung saan ipinagbabawal ang pagdaraan ng mga tricycle.

Sinabi ni  Logica na hindi na rin maaaring pumasok sa Maynila ang mga tricycle mula Pasay, Makati, Caloocan, Navotas, Malabon, San Juan at Quezon City.

 

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

LOGICA

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MAYNILA

QUEZON CITY

SAN JUAN

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with