Yosi sa loob ng tahanan iwasan-WHO

MANILA, Philippines - Iwasan ang paninigarilyo sa loob ng tahanan sa halip ay sa labas ng bahay na lamang. Ito ang payo ng World Health  Organization (WHO) sa publiko.

Sinabi ni Dr. Julie Lyn Hall, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, dahil sa paninigarilyo sa loob ng bahay ay nalalantad ang mga miyembro ng pa­mi­l­­ya sa mapanganib na  epekto ng pagsisigarilyo.

 Payo pa ng WHO sa mga miyembro ng  pamilya na pahintuin ang kanilang mga kasama sa bahay o kapamilya na naninigarilyo subalit kung hindi makatiis ay palabasin ng bahay kung maninigarilyo upang maligtas ang mga non-smoker sa masamang dulot ng yosi.

 Kung delikado  ang  kalusugan ng isang smo­ker, higit na nalalantad sa panganib ang kalusugan ng  second-hand smoker o yaong mga taong nakalalanghap ng usok mula sa mga nagyoyosi.

Nalaman sa WHO na may mga kaso na ng non-smokers na nagkakaroon ng sakit sa baga, sa puso, impeksiyon sa lalamunan, pneumonia at iba pang karamdaman na nag-ugat sa paninigarilyo matapos na malantad  sa second-hand smoke.

Batay sa estadistika ng WHO,  ang  tobacco epidemic ang isa sa pri­merong international public health threat dahil sa halos 6 na milyon katao  ang namamatay bawat taon dahil sa epek­to ng sigarilyo habang mahigit  na 600,000  ang namamatay  dahil sa se­cond-hand smoke.

 

Show comments