Donaire, binati ng Malacañang

MANILA, Philippines - Binati ng Malacañang si Filipino Flash Nonito Donaire sa pagkapanalo nito laban kay Simpiwe Vetyeka kahapon.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., kaisa ng buong sambayanan sa pagdiriwang at pagtanghal sa tagumpay ni Nonito ‘the Filipino Flash’ Donaire at sa kanyang pagkamit ng bagong kampeonato sa larangan ng boxing.

Sinabi ni Coloma na makikita kay ‘The Flash’ ang giting at husay ng Pilipinong atleta na sumasalamin din sa tatag ng kalooban ng mga Pilipino na lampasan ang mga hamon at mga adbersidad sa buhay.

Nanalo si Donaire sa unanimous technical decision laban kay Vetyeka matapos ipatigil ng refereee ang laban sa 5th round ng laban dahil sa pag-agos ng dugo sa kaliwang mata at kilay ng Filipino boxer.

Bagamat naging matagumpay sa laban, todo hingi naman ng paumanhin sa kanyang mga fans lalo na sa mga Pinoy si newly crowned WBA Super World fea­therweight Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr., sa naging kahihinatnan ng kanyang laban kay Vetyeka sa The Venetian, Cotai Arena sa Macau, China kamakalawa ng gabi.

 

Show comments