MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang tricycle driver ng kanyang mga kasamahan dahil sa agawan sa pasahero kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Ang nasawi ay kinilalang si Benjamin Alcantara, Jr., 31, ng 350 Libertad St., dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.
Isa sa limang suspek na pinaghahanap naman ng pulisya ay nakilala lamang sa “alyas Bobbyâ€, ng Decena St.
Sa ulat, alas-12:20 ng madaling araw sa kanto ng Decena at Libertad Sts., nang habulin ng bato ng suspek ang biktima matapos ang pagtatalo sa agawan ng pasahero.
Nagawang makatakbo ang biktima, subalit hinarang siya ng grupo ni Bobby kaya’t nang maabutan ay agad na pinalo sa ulo at isa sa mga suspek ang nagpaputok ng baril na kung saan ay tinamaan ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.