Tsinoy trader dedo sa ambush

Hindi na nakalabas sa kanyang sasakyan at namatay noon din ang biktimang si Jason Chua, matapos na siya ay pagbabarilin ng riding in tandem na suspek sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa kanto ng P. Ocampo St., at Mabini St., Malate, Maynila.-Bening Batuigas-  

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang negos­yanteng Tsinoy nang pagbabarilin ito habang sakay ng kanyang SUV ng dalawang lalaki na nakamotor kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si Jason Chua, 44, may-asawa, negos­yante at residente ng no.1322 Golden Empire Tower, Roxas Boulevard, Pasay City.

Sa ulat, dakong alas-10:10 ng gabi ay papauwi na ang biktima sakay ng Ranger Rover (ZI-1055) mula Century Park Seafood Restaurant at pagsapit sa kanto ng P. Ocampo at Mabini Sts., Malate ay sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ito.

Nabatid na nagkita-kita ang biktima at mga dating kaklase sa high school sa nasabing seafood restaurant bago ang insidente.

May hinala ang pulisya na may kaugnayan sa negosyong plastic products ng biktima ang ginawang pananambang ng mga hindi pa kilalang suspek.

Show comments