Kinidnap na trader nagbayad ng P3-M ransom sa Sayyaf

MANILA, Philippines - Tumataginting umanong P3 milyon ang ibinayad ng pamilya ng negosyanteng kidnap victim sa mga bandidong Abu Sayyaf Group kaya’t ito ay pinalaya at inihatid pa sa Jolo airport, Sulu kamakalawa.

Ito ang ulat na nakara­ting kay Brig. Gen. Martin Pinto, Commander ng 2nd Marine Brigade na nagbigay umano ng P3 mil­yon ang mister ng kidnap victim na si Sugar Diane Buen­viaje at isang hindi kilalang kasama nito sa  Abu Sayyaf kapalit ng kalayaan ng negosyante.

Magugunita na bandang alas–5:00 ng umaga kahapon nang abandonahin ng kaniyang mga abductor ang bihag na si Dianne sa airport ng Jolo, Sulu.

Nabatid na halos 4 buwang bihag ng mga bandido matapos na dukutin ito ng pitong bandido sa Mapun, Tawi-Tawi noong Pebrero ng taong ito.

Tinukoy naman ni Pino na ang grupo ng mga bandido na nagpakawala sa negosyante ay sina Anguh Adji, Mudjakal Bagadi at Mahmur Jupuri.

 

Show comments