MANILA, Philippines - Namahagi si QC Vice Mayor Joy Belmonte sa may mahigit 5,000 mahihirap na mag-aaral sa lungsod tulad ng mga school supplies sa kanilang pagpasok sa paaralan sa Hunyo.
Isinagawa ang pamamahagi ng mga school supplies sa tulong ng mga barangay leaders sa may 142 barangay sa lunsod.
Unang nabigyan ng naturang mga supplies ang mga indigents sa district 3, 4 at 1 at sinundan naman ng mga kabataang mag-aaral sa district 2, 5 at 6.
Karaniwan na anyang naisasagawa ng tanggapan ng bise alkalde ang pamamahagi ng school supplies kapag magsisimula na ang Hunyo.