Digital files ni Luy ibinigay sa media

MANILA, Philippines - Ipinamahagi kahapon ng tanggapan ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman TG Guingona sa mga miyembro ng media ang laman ng digital files ng whistle blower na si Benhur Luy.

Ang compact disc (CD) na naglalaman ng digital files ni Luy kung saan kasama sa isang baha­gi maging ang “deleted” ay nabanggit ang mga alyas na “Bigboy”, “Bonget”,“Tanda”,“Da­hon”,“Sexy”, at “Bigote” at maging “Sexy_Ochoa_doc”.

Kasama sa nasabing files ang diumano’y na­ging transaksiyon ni Janet Lim-Napoles sa mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang mga diumano’y cash advance na ginawa ng mga ito kapalit ang pagbibigay ng proyekto sa itinuturong utak ng scam.

Isa sa mga entry sa deleted files ay may nakalagay na “BIGBOY” na unang ginawa noong Agosto 2, 2012 at huling na-access noong Agosto 30, 2012.

Kabilang sa mga “draft letters” na wala namang lagda ay nakapangalan kina Senators Franklin Drilon, Ralph Recto, Juan Ponce-Enrile at  Sergio Osmeña; dating Senators Francis Pangilinan at Loi Ejercito-Estrada; kabilang naman sa mga miyembro ng House of Representatives sina dating  Senator at ngayon ay Muntinlupa Representative Rodolfo Biazon, Leyte 3rd District Representative Eduardo Veloso, La Union Representative Manuel Ortega, at iba pa.

 

Show comments