MANILA, Philippines - Boluntaryong pinatanggal ng isang pharmaceutical company ang ilang batch ng mga gamot na anti-depression.
Ayon sa Food and Drug Administration (FDA) partikular na ipinapa-recall ng GlaxoSmithKline o GSK PhiÂlippines Incorporated ang 20-mg tablet na Seroxat (may generic name na paroxetine) na may batch numbers 601, 602M at 603.
Ang voluntary recall ay kasunod ng ipinaÂdalang liham ng US-FDA na nagsasabing nagkaroon ng problema sa isa sa mga aktibong sangkap ng nasabing anti-depressant drug.
Pinapayuhan ng FDA ang mga konsumer na nakabili ng Seroxat ay makipag-ugnayan sa GSK Philippines sa telephone number 864 8516 at 892 0762.