MANILA, Philippines - Nagbabala ang Globe Telecom sa mga kumpanya na nagpapadala sa kanilang mga customers ng unsolicited promotional text messages matapos na kasuhan nila ang isang kumpanya sa National Telecommunications.
Nabatid na mayroon pang sasampahang kaso ang Globe Telecom sa mga darating na araw laban sa mga kompanyang sangkot sa marketing activities sa pamamagitan ng text spamming.
Ang kinasuhan sa NTC ay ang Center for Global Best Practices (CGBP), isang kompanya na nag-aalok ng iba’t ibang training at seminar courses.
Ang CGBP ang ikalawang kompanya na inireklamo ng Globe sa NTC kung saan ang una ay ang Caritas Health Shield, Inc.
Hiniling din ng Globe sa NTC na permanenteng bawalan ang CGBP, ang mga ahente at empleÂyado nito na magpadala ng spam texts sa kanilang mga customers.
Habang dinidinig ang kaso, sinabi ng Globe na dapat magpalabas ng cease and desist order ang NTC laban sa CGBP.
Isa sa halimbawa na spam message mula sa CGBP ay ang sumusunod:“Help your children ace all exams, excel in school and top the class! Have them attend with you a 5-session ‘Super Memory Program for High School’ (starting May 10) and ‘Super Memory Program for College’ (starting May 9) at The Bellevue Hotel, Alabang at iba pa.