MANILA, Philippines - “Wala kang puso, ang yayabang ninyo porket may mga baril kayo, hindi naman sa inyo ang lupa, papatayin ko muna isa-isa ang pamilÂya mo at ihuhuli kita†at “Pu……. mo Ricardo Mago,Wala kang puso, pinahihirapan mo mga residente ng Pangarap Village, Maghanda ka, papatayin ko buong pamilya mo bago kita barilinâ€.
Ito ang huling natanggap na death threat sa text ng biktimang si Ricardo Mago, empleÂyado ng Carmel DeveÂlopment Inc. at residente ng Bo. San Isidro, Tala, ng naturang lungsod bago ito natagpuang patay dakong alas-7:00 ng gabi sa tapat ng isang bahay sa may Saint Joseph Barracks, Tala, sa naturang lungsod.
Ayon sa isang saksi narinig niya ang putok ng baril at nakita ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki na papatakas. Lumalabas na ang Pangarap Village sa Caloocan ay pinag-aagawan ng mga residente at ng kumpanÂyang pinaglilingkuran ng biktima.