3 sapol sa killer kidlat

MANILA, Philippines - Isang mag-ama at isa nilang kasama ang nasawi matapos na tamaan ng kidlat habang sakay ng bangka sa bayan ng San Jose, Antique kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina  JV Alulon, 19; mag-amang sina Orlando Mirasol Sr., 49 at anak nitong si  Orlando Jr., 29.

Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), ang insidente ay nangyari noong Martes ng hapon sa ilog ng Brgy. Magkalon.

Nabatid na kasalukuyang namamangka sa ilog ang mga biktima nang biglang kumulog na sinabayan ng kidlat na tumama sa mga biktima.

Show comments