^

Police Metro

Utak ng criminal syndicate sa Antipolo, ‘kakanta na’

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Handa na umanong kumanta ang sinasabing utak ng land grabbing syndicate sa Cogeo, Antipolo City upang kila­lanin kung sinu-sino ang mga retiradong opisyal ng pulisya ang nagbibigay sa kanya ng proteksiyon pati sa kanyang pagbebenta ng ilegal na droga sa lungsod.

Ayon sa opisyal ng Pagrai Homeowners Association & Alliance na si Joel Abelende, nagtatago ngayon ang isang  alyas Apol na dating police major matapos lumabas ang ulat na mayroon itong “drug diagram” na kinilala ang lahat ng sangkot sa inoo-operate nitong land grabbing, drug trafficking, prostitution at gun-for-hire syndicate.

Nabatid na nagtatago lang si alyas Apol sa  Binangonan (Rizal) at kung minsan ay sa Project 4 (Quezon City), pero may feeler na itong ipadadala.

Dati na rin inireklamo si alyas Apol ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa kanyang criminal activities tulad ng pagmamantine ng hired killers na pumaslang sa mga pangulo ng ibang homeowners associations at pagtitingi ng shabu sa mga stallholders sa Cogeo.

ANTIPOLO CITY

APOL

AYON

BINANGONAN

COGEO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JOEL ABELENDE

PAGRAI HOMEOWNERS ASSOCIATION

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with