^

Police Metro

4 Pulis sinibak sa pangongotong

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sorsogon at tatlo nitong tauhan ang sinibak sa puwesto matapos na ireklamo ng extortion ng isang barangay kagawad sa lalawigan.

Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Benjamin Magalong ang mga sinibak sa puwesto ay kinilalang sina Sr. Inspector Marvin Pedere, Provincial CIDG Chief sa lalawigan ng Sorsogon at tatlo nitong tauhan na hindi pinangalanan matapos na ireklamo ng extortion ni Barangay Kagawad Jimmy Espaldon Jr., ng Brgy. Mabini, Casiguran ng lalawigan.

Nag-ugat ang kaso sa isinagawang raid ng CIDG Sorsogon sa bahay ng kapatid na lalaki ni Espaldon noong Mayo 22  kung saan ang operasyon ay pina­ngunahan ni Pedere na naghahanap ng mga armas.

Gayunman, nabigong makasamsam ng target na mga baril ang CIDG team  at sa halip ay ilang bala lamang  na umano’y ginamit nito sa pagsasanay sa Philippine Army noong 1996 ang nakumpiska sa bahay ng kapatid ni Espaldon.

Sa kabila ng wala namang umanong nakumpiskang mga baril na siyang nasa search warrant ay  inaresto pa rin ng mga operatiba ni Pedere ang kapatid na lalaki ni Espaldon.

Gayunman sa halip na sa kanilang himpilan dalhin ang kanilang inaresto ay sa isang restaurant ito dinala kung saan ay pinagbayad pa nina Pedere sa masasarap na putaheng todo sawa ng mga itong inorder.

Idinagdag pa rito na hinihingan umano ng mga pulis ng P 35,000 si Espaldon kapalit ng hindi pagsasampa ng kasong kriminal laban dito.

 

vuukle comment

BARANGAY KAGAWAD JIMMY ESPALDON JR.

CHIEF P

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

ESPALDON

GAYUNMAN

PEDERE

PHILIPPINE ARMY

SORSOGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with