^

Police Metro

EDCA hiniling sa Supreme Court na ibasura

Doris Borja, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hiniling  kahapon nina dating Senators Rene A.V.Saguisag, Wigberto E. Tañada, Atty.Harry Roque,at siyam na iba pa sa Supreme Court (SC) na ideklara na null and void ang pinirmahan kamakailan na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pamamagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa 65-pahinang petition for certiorari and prohibition with prayer for a preliminary prohibitory injunction and/or temporary restraining order,  nais ng mga petio­ner na  ideklarang  iligal  o labag sa Konstitusyon ang EDCA dahil extension lamang ito ng Mutual Defense Treaty o MDT ng Amerika at Pilipinas.

Anya,wala nang bisa sa ilalim ng 1987 Constitution ang MDT dahil sa probisyong nagsasabi na nire-reject ng Pilipinas ang giyera bilang national policy. 
Kontra rin anila sa Uni­ted Nations Charter ang MDT na nagbabasura sa paggamit ng pwersa bilang paraan sa paglutas ng ‘di pagkakaunawaan. 
May pag-abuso rin umano sa kapangyarihan ang ginawang paglagda ng hepe ng AFP sa EDCA dahil labag ito sa pagbabawal ng armas nukleyar sa bansa. 

Kabilang sa respondents sa petisyon ay sina Exe­cutive Secretary Pacquito Ochoa, Defense Secretary Voltaire Gazmin, DFA Secretary Albert Del Rosario, Budget Secretary Florencio Abad at AFP Chief Emmanuel Bautista.

Samantala, sinabi naman ni Department of  National Defense (DND) Spokesman Reuben Peter Paul Galvez na walang nilabag sa umiiral na Saligang Batas ang pinagtibay na EDCA at handa nilang harapin ang pagkuwestiyon ng mga anti-EDCA groups  sa  legalidad ng kasunduan sa Korte Suprema.-

 

BUDGET SECRETARY FLORENCIO ABAD

CHIEF EMMANUEL BAUTISTA

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

ESTADOS UNIDOS

HARRY ROQUE

KORTE SUPREMA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with