Umawat sa rambol, dedbol

MANILA, Philippines - Todas ang isang 37-anyos na  truck driver nang barilin ito dahil sa pag-awat sa nagaganap na rambol habang sugatan naman ang isang 12 -taong batang lalaki na natamaan ng ligaw na bala, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Angelito Olidar ng Block  7 Baseco , Compound, Port Area, dahil  sa tama ng bala sa tiyan subalit hindi na umabot ng buhay,  habang ginagamot pa sa nasabing ospital ang biktimang si Jobar Mantoyan, residente din ng lugar dahil sa balang tinamo sa likod.

Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-2:35 ng hapon nitong Sabado nang magkaroon ng rambol ng mga kabataan sa kanilang lugar.

Umaawat umano ang biktima sa away nang siya ang pagbalingan ng galit ng magkabilang grupo at pagbabarilin. Tinamaan naman ng ligaw na bala si Jobar.

 

Show comments