^

Police Metro

‘Ka Oryang’ kinilalang bayani sa Caloocan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng Caloocan ang isang resolusyon na hihiling sa Kongreso na kilalanin bilang bayani ng lungsod ng Caloocan ang maybahay ni Gat. Andres Bonifacio na si Gregoria “Ka Oryang” De Jesus.

Sa resolusyong iniakda ni Caloocan 1st District Councilor Karina Teh, pinatunayan nito na si De Jesus ay isinilang sa daang Baltazar, ngayon ay P. Zamora Street sa lungsod ng Caloocan noong Mayo 9, 1875.

 Tinagurian itong lakambini ng Katipunan bilang sagisag na kabiyak ng Supremo ng Katipunan na si Gat Andres Bonifacio.  Naging bahagi rin ito ng himagsikan at nagsulong ng pag-aalsa para sa pambansang kalayaan.

 Nakasaad pa sa resolusyon na naging mahalaga ang papel ni De Jesus bilang tagapangalaga at tagapag-ingat ng mahahalagang dokumento at kasulatan ng himagsikan at punong abala sa mga lihim na pulong katuwang si Emilio Jacinto. 

Dahil rin kay Ka Oryang, naging inspirasyon siya ni Bonifacio upang higit pang mapag-alab at napatatag ang pamumuno sa himagsikan.  Namuno rin ito bilang bise-presidente ng kababaihang sektor at naging halimbawa at inspirasyon para sa kababaihan.

Dahil sa mga kontribusyong ito ni Ka Oryang, sinabi ni Teh na napapanahon na para kilalanin naman ng Kongreso ang kontribusyon nito sa himagsikan at kilalanin bilang isang ganap na Bayani mula sa lungsod ng Caloocan.

ANDRES BONIFACIO

CALOOCAN

DAHIL

DE JESUS

DISTRICT COUNCILOR KARINA TEH

EMILIO JACINTO

GAT ANDRES BONIFACIO

KA ORYANG

KATIPUNAN

KONGRESO

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with