MANILA, Philippines - May kabuuang 46 na kalsada sa lungsod ng Maynila ang bawal ng pasukan at daanan ng mga padyak at tricycle.
Ayon kay Manila MaÂyor Joseph ‘Erap’ Estrada, sa ilalim ng bagong regulasyon bawal nang dumaan ang mga tricycle at pedicab sa 46 na kalye alinsunod na rin sa ginagawang pagsasa-ayos ng daloy ng trapiko sa lungsod.
Paliwanag naman ni Vice Mayor Isko Moreno, kaunti lamang ito sa mahigit na 1,000 kalsada na maaaring daanan ng mga tricycle at pedicab. Aniya, maaari namang tumawid ang mga ito. Kailangan na ding iparehistro ang mga tricycle at pedicab sa Manila Tricycle Regulatory Office na nasa ilalim ng pamamahala ni MTPB Carter Don Logica.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang Roxas Blvd.; Pablo Ocampo (mula Taft Ave. hanggang Roxas Blvd.); M.H de Pilar (mula Kalaw hanggang Pablo Ocampo); Mabini (mula Kalaw hanggang Pablo Ocampo); Pablo Ocampo (mula Taft Ave. hanggang Osmeña Highway); Osmeña Highway; Quirino Ave.; Taft Ave.; Kalaw; U.N. Ave.; San Marcelino (mula Quirino Ave. hanggang Romualdez St.); Pedro Gil (mula Quirino Ave. hanggang Panaderos); Guanzon Ave.; Quirino Ave. Extension; Ayala Blvd.; Padre Faura; Padre Burgos Ave.; Finance Road; Lawton; Arroceros, Antonio Villegas; Ayala Bridge; Quezon Bridge; McArthur Bridge; Jones Bridge; P. Casal St.(mula Ayala Bridge hanggang Mendiola); C.M. Recto (mula Mendiola hanggang Abad Santos); Legarda St.; Ramon Magsaysay Blvd.; V. Mapa St.; Quezon Blvd.; Rizal Ave.;Escolta; Quintin Paredes; Plaza San Lorenzo Ruiz; Jose Abad Santos Ave.; A.H. Lacson Ave.; Tayuman (mula A.H. Lacson hanggang Juan Luna); España; Dapitan; Laon-Laan (mula Alfonso Mendoza hanggang A.H. Lacson Ave.); Dimasalang; Blumentritt (mula Aurora Blvd. hanggang North Cemetery); Road 10; G. Tuazon at Adriatico (mula Padre Faura hanggang Quirino Ave.).