MANILA, Philippines - Hindi parin nakukuha ng pamahalaan ang mga pledges o tulong ng international community para sa mga biktima ng super bagyong Yolanda bunsod umano ng kawalan pa ng master plan.
Sinabi ni Senador Bongbong Marcos, bagamat halos pitong buwan na ang nakililipas mula noong manalasa ang super typhoon Yolanda ay hindi pa rin nakukuha ng gobyerno ang mga pledges na ibinibigay ng ibang bansa na sanay makakatulong ng malaki sa rehabilitasyon sa mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyo.
Ang ikinakatwiran umano ng national government ay hindi parin nagbibigay ng Post Disaster Needs Assistance ang Local Government Units (LGUs) sa mga naapektuhan ng kalamidad, subalit ng makausap umano ng senador ang mga nasabing opisyal ay sinabing nakapagsumite naman na sila.
Subalit ng muling sabihin nito na nakapagbigay na ng master plan ay ikinatuwiran naman sa kanya na validation naman mula sa Department of Publics Works and Highways (DPWH) at iba pang ahensiya ng gobyerno ang kailangan.
Paliwanag pa ni Marcos, ang mga pledges ay ibiÂnibigay kapag mayroon ng plano na naiprisinta at kung aprubado ito saka ire-release ang mga financial assistance.
Dismayado ang Senador dahil matagal ng nakaÂhanda ang mga pinansyal na tulong na ito subalit hindi pa mapakinabangan dahil sa bagal kumilos ng national government.
Hinihiling din ni Marcos sa gobyerno na madaliin ang paglalabas ng pondo at ipaubaya na lamang ito sa LGUs upang mapabilis ang rehabilitasyon sa mga lalawigan na lubhang napinsala dulot ng bagyong Yolanda.