Paslit nadulas, nalunod sa ilog

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang apat na taong gulang na batang lalaki nang madulas, mahulog at malunod sa ilog na nasa likod lang ng kanilang bahay, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Isinugod pa ng kanyang mga kapitbahay sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Rodman Cansamcio ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang hanapin ni Jandrie Cansamcio, 13-anyos, ang kanyang nakababatang kapatid ngunit hindi niya makita sa loob ng   kanilang bahay.  Ngunit laking gulat na lang nito na ang paslit ay nakalutang na sa gilid ng Tripa de Galina river.  Agad naman tumalon si Jandrie upang sagipin ang kapatid hanggang sa maiahon ang bata ngunit hindi na naisalba ang buhay nito.

 

Show comments